Walang Pinoy na nadamay sa pagbaha sa Kenya ayon sa DFA

By Jan Escosio May 10, 2018 - 08:34 AM

AP Photo

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na kabilang sa mahigit 100 namatay o maging nadamay sa dalawang buwan ng pagbaha sa Kenya.

Kasabay nito, nagpahayag na si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ng pakikiramay sa gobyerno ng Kenya dahil sa nagpapatuloy na kalamidad.

Sinabi pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Nairobi sa mga miyembro ng Filipino community para talagang matiyak na ligtas ang lahat ng mga Filipino.

Aniya mismong si Ambassador Uriel Norman Garibay ang nagmomonitor sa sitwasyon ng may 346 Filipino sa Kenya.

Base sa mga ulat, noong Marso pa nang magsimula ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga lalawigan ng
Garissa, Makueni, Isiolo, Tana River at Kilifi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DFA, Kenya Flood, Radyo Inquirer, DFA, Kenya Flood, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.