‘Jericho March’ protest isasagawa ng Sereno Supporters bukas

By Rhommel Balasbas May 10, 2018 - 04:36 AM

Magsasagawa ng ‘Jericho March’ protest ang mga taga-suporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno bukas araw ng Biyernes, upang ipahayag ang pagtutol sa quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Magsisimula ang support protest na ito alas-4 ng madaling araw sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura, Maynila. Ito ay ilang oras bago isagawa ang botohan sa quo warranto petition.

Ipananawagan ng grupong Coaltion for Justice sa SC ang pagbasura sa petisyong inihain ni Solicitor General Jose Calida upang mapatalsik sa pwesto si Sereno.

Ayon sa grupo, dapat lamang na mabasura ang petisyon dahil ayon sa Konstitusyon ay tanging ‘impeachment proceeding’ lamang ang maaaring makapagpatalsik sa isang Chief Justice.

Nakabalik na sa Korte Suprema si Sereno matapos ang indefinite leave mula noong Marso at pangungunahan ang en banc session sa SC bukas ngunit mag-iinhibit sa deliberasyon ng quo warranto petition laban sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.