Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa matalino at responsableng paggamit ng banknotes at coins ng bansa.
Sa presentasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Malacañang ng New Generation Currency (NGC) sinabi ni Duterte na gamitin ang bagong edisyon ng mga pera para sa pagsulong ng bawat isa at ng buong Pilipinas.
“I ask the public to join us in welcoming the new generation currency banknote and coin series. Let us use them wisely and responsibly for our personal and our country’s advancement,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na maging simbolo nawa ng katatagan at kinahaharap ng ekonomiya ang pera ng bansa.
Muling tiniyak ni Duterte sa publiko ang mas magandang buhay para sa halos 100 milyong Filipino.
“Let our money symbolize the resilience and promise of our economy, as well as the best of what this nation can offer, as well as what it stands for. Hand in hand, let us pave the way towards a brighter future, as we strive further to realize our vision of a more comfortable and dignified life for all.” dagdag pa ng pangulo.
Ayon pa sa presidente, kailangang baguhin ang desenyo ng banknotes at coins dahil ito ay itinatakda ng batas.
Nauna nang inilabas ang NGC banknotes noong 2010 ngunit nagkaroon ng enhancement sa disenyo nito noong Disyembre 2017.
Makikita na rin sa mas pinagandang disenyo ang lagda nina Pangulong Duterte bilang ika-16 na pangulo ng bansa at ni BSP Governor Nestor Espenilla maging ang ilan pa sa mga mahahalagang tagpo sa kasaysayan ng bansa.
Pinalawig din ang security features ng enhanced banknotes para labanan ang pamemeke at mas pinatibay din ang mga ito ayon sa pangulo.