NCRPO magpapakalat ng 20,000 pulis para sa Barangay at SK elections
Magdedeploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 20,000 pulis para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan.
Labing-anim na libo rito ay idedeploy sa mga polling stations at precints sa buong Metro Manila habang ang 4,000 naman mula sa district mobile force ay magpapatrolya.
Ang bilang ng mga magpapatrolya ani Cascolan ay madaragdagan pa sakaling magpadala na ang Philippine National Police headquartes ng karagdagang pwersa.
Ayon kay Cascolan ang kanyang bilin sa pulisya ay maging alerto upang sa kahit anong mangyari ay makaresponde agad ang mga ito.
Samantala, sinabi naman ng opisyal na wala pang namomonitor ang NCRPO na kahit anong election-related violence.
Anya, ang pagkamatay ng tumatakbong kagawad sa Barangay 4, Pasay City na si Anthony Joseph Echavez na pinagbabaril ng riding-in-tandem ay walang kinalaman sa eleksyon kundi personal umano ang motibo.
Iginiit pa ni Cascolan na walang elections hotspots sa Metro Manila ngunit may limang ‘areas of concern’ – isa anya sa timog ng NCR at apat sa lungsod ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.