2 himpilan ng pulis pinasabog sa Afghanistan

AP File Photo

Sugatan ang hindi bababa sa anim katao matapos pasabugin ng tatlong suicide bombers ang dalawang himpilan ng pulis sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Afghan Interior Ministry spokesperson Najib Danish, unang pinasabog ang police station sa kanlurang bahagi ng lungsod. At matapos nito ay dalawang suicide bombers naman ang nagpasabog sa tapat ng pasukan sa police station sa sentro ng lungsod.

Ayon sa Kabul ambulance service, posible pang tumaas ang bilang ng mga sugatan dahil sa naturang pagpapasabog.

Madalas target ng Taliban at IS ang mga otoridad ng Afghanistan dahil inaalalayan ito ng mga Western countries.

Samantala, nilusob ng Taliban ang Bilchirgh district ng Afghanistan, kung saan nagpapatuloy ang pagpapalitan ng putok ng mga rebelde at pwersa ng pamahalaan.

Ayon sa Taliban, hawak na nila ang naturang distrito at 10 miyembro ng security forces na ang kanilang napatay.

Samantala, walong sundalo naman ang napatay matapos atakihin ng Taliban ang isang paaralan sa Afhganistan na ginagamit bilang voter registration center.

Read more...