Babae patay sa pamamaril sa Caloocan

By Justinne Punsalang May 10, 2018 - 02:46 AM

Dead on the spot ang isang babae matapos itong pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Gladys Gunabe, 23 taong gulang.

Kwento ng kinakasama ni Gunabe na si Jim Perez, madaling araw ng Huwebes nang sugurin sila ng tatlong lalaki. Namukhaan niya ang isa dito na kanilang kapitbahay na nakilala lamang sa alyas na Tony at nakitang mayroon itong dalang baril.

Kaya naman ginawa ni Perez ang lahat para hindi pagbuksan ng pinto ang mga kalalakihan.

Ngunit pilit na sinira ng mga lalaki ang pinto ng bahay at doon na pinagbabaril si Gunabe.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Sa ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad si Tony at kanyang mga kasamahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.