LTO official sa Tarlac, arestado dahil sa iligal na droga
Naaresto ng mga awtoridad ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos makuhaan ng 9 na sachets ng hinihinalang shabu sa kanyang bahay kabilang na ang isang hand grenade at mga bala ng baril.
Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng mga operatiba ang bahay ni Tarlac LTO officer-in-charge Rodel Yambao, 59 anyos sa Barangay San Roque.
Matagal nang isinailalim sa surveillance si Yambao matapos maisama sa listahan ng mga high-value targets.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa presensya ng asawa ni Yambao, ng dalawang baranggay kagawad, mga kinatawan ng media at Department of Justice.
Kasalukuyang nakapiit si Yambao sa Tarlac Police jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.