11 pulis na bashers ni Albayalde inilipat ng assignment sa Mindanao

By Mark Makalalad May 09, 2018 - 11:37 PM

Ipinatatapon na sa Mindanao ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang 11 pulis na basher niya sa Facebook.

Ayon kay Albayalde, ililipat na sa Sulu ang assignment ng 11 pulis nang sa gayon ay hindi na sila maka-impluwensya pa sa kanilang hanay.

Samantala, nilinaw naman ni Albayalde na hindi kaparusahan ang reassignment ng naturang mga pulis dahil ginawa lamang umano ito para sila ay madisiplina.

Nabatid na kulang ang mga pulis sa Sulu na nagbabantay sa seguridad sa lugar.

Nauna nang humarap sa Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) sa Camp Crame ang 9 sa 11 mga pulis na bashers sa Facebook ni Albayalde.

Samantala, maliban sa 11 pulis na una nang nag-report, may 20 pulis pa na natukoy ang PNP na Facebook bashers din ni Albayalde na inaashang ipapatawag din sa DIDM sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.