(UPDATE) Umabot na sa anim katao ang kumpirmadong patay matapos tupukin ng sunog ang Bahay na Bato sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Ang Bahay na Bato ay isang lumang residential building, kung saan 50 mga pamilya ang kasalukuyang walang matuluyan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ana Dona Agrasada, 26 taong gulang; Marie Joy De Jesus, 26 na taong gulang; Daniel Luis Canaria, 10 taong gulang; Jomarie Canaria, 6 na taong gulang; Jake Amata, 6 taong gulang; at Jake Angelo Amata, 3 taong gulang.
Bandang alas-4:17 ng hapon nang sumiklab ang apoy, na itinaas sa ikatlong alarma bandang 6:31 ng gabi.
Alas-9:45 na ng gabi nang tuluyang maapula ang sunog.
Ayon sa Parañaque City Fire Department, patuloy pa nilang inaalam ang sanhi ng sunog.
Samantala, ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Superintendent Robert Pacis, nasa P50,000 ang kabuuang pinsala na dulot ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.