Kongreso tuloy pa rin ng paghahanda sa impeachment trial ni Sereno
Tiniyak ni House Justice Chair Reynaldo Umali na tuloy ang kanilang paghahanda para sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay sa kabila ng gagawing paglalabas ng desisyon ng mga mahistrado ng supreme court sa quo warranto complaint laban kay punong mahistrado sa Biyernes.
Ipinaliwanag ni Umali na matagal na nilang naihanda ang articles of impeachment pero inabutan ito ng session break.
Ikinatwiran pa ni Umali na dapat noon pa tinapos ng mga mahistrado ang quo warranto case laban kay Sereno.
Sa gaganaping plenary vote ay kailangang makakuha ng 1/3 votes ng mga miyembro ng Kamara na pabor sa article of impeachment para maipasa na nila ito sa Senado na siya namang tatayong impeachment court.
Mayroong 60 days ang mga mambabatas para tapusin ang buong proseso.
Pero kung magdedesisyon ang mga mahistrado ng Supreme Court pabor sa petisyon laban kay Sereno ay magiging moot and academic na lamang ang impeachment case na isinampa laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.