Mga pari binantaan ng pangulo sa pagpuna sa kanyang administrasyon

By Chona Yu May 09, 2018 - 05:17 PM

Pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari na maghinay hinay sa pagbatikos sa kanyang administrasyon.

Banta ng pangulo, isusunod niya ang mga pari na walang ginawa kundi punahin ang kanyang mga ginagawa sa gobyerno.

Sinabi ni Duterte na wala siyang relihiyon at hindi naniniwala sa mga sermon ng mga pari.

Matatandaang kamakailan lamang ay pinalalayas na ni Pangulong Duterte ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox dahil sa pagsama sa mga political rally.

Mula naman nang siya’y maluklok sa pwesto ay naging kritiko na niya ang ilan sa mga lider ng simbahang katolika partikular na sa war on drugs ng pamahalaan.

TAGS: CBCP, duterte, War on drugs, CBCP, duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.