2 Abu Sayyaf members patay sa bakbakan sa Sulu

Radyo Inquirer

Nalagasan naman ng miyembro ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

 

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Foce Sulu, napatay ang dalawang miyembro ng ASG matapos maka-engkwntro ang mga Special Forces Troopers sa Brgy. Lagasan, Parang, Sulu kaninang ala-1:30 ng hapon.

 

Nabatid na nagsasagawa ng rescue operations ang militar sa mga kidnap victims ng grupo nang magkapalitan sila ng putok na tumagal ng 40 minuto.

 

Nakilala ang nasawing bandido na si Abrajir Jamsuri habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang bandido.

 

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang 4 na matataas na kalibre ng armas kabilang na ang dalawang M14, isang R4 assault rifle at isang M203 grenade launcher.

 

Wala naman naitalang patay sa hanay ng militar.

Read more...