En banc session sa Biyernes, pamumunuan ni Sereno
Matapos magbalik sa pwesto, si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang mangunguna sa en banc session ng Mataas na Hukuman sa May 11, araw ng Biyernes.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, ang punong mahistrado na ang magpe-preside sa en banc session.
Dagdag pa ni Lacanilao, hindi nagpasabi si Sereno sa mga kapwa niya mahistrado bago ang pagbabalik niya sa trabaho ngayong araw matapos ang leave of absence.
Desisyon aniya ni Sereno ang pagbabalik sa trabaho.
Pero ani Lacanilao, nakausap ng punong mahistrado si Sr. Associate Justice Antonio Carpio sa telepono bago siya magbalik-opisina.
Una nang sinabi ng kampo ni Sereno na mag-iinhibit ito sa deliberasyon ng quo warranto petition na kaniyang kinakaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.