8 high-profile inmates na nasa custodial center ng AFP binisita ni Bucor Chief Ronald Dela Rosa

By Mark Makalalad May 09, 2018 - 12:33 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Personal na binisita ni Bureau of Corrections Chief Ronald Dela Rosa ang kulungan ng 8 high profile inmates sa loob ng custodial center ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Layon ng pagbisita na tiyakin na mahigpit ang seguridad na pinaiiral sa kulungan at walang transaksyon ng iligal na droga na nagaganap doon.

Kabilang sa mga binisita ni Dela Rosa sina ang mga convicted drug lord na si Herbet Colangco, Robert Durano, Jerry PipinoNoel Martinez, Gernan Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina at Rodolfo Magleo.

Ayon kay Bato, binalaan nya ang 8 na kahit sila ay mga ‘state witness’ ay maari silang maging ‘dying witness’. Ito ay kung patuloy na sila magiging pasaway at magiging sangkot pa rin sa kalakaran ng iligal na droga.

Samantala, sinabi naman ng hepe ng Bucor na kumpyansa sa kanyang isinagawang inspeksyon.

Tiwala rin daw sya sa mga gwardya na nagbabantay doon na hindi basta basta masushulan dahil composite ang mga ito na binubuo ng Bucor, PNP-SAF at PNP.

Sa ngayon, wala pang plano si Dela Rosa na ibalik sa Bilibid ang 8 high profile inmates.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bucor, high profile inmates, Ronald dela Rosa, bucor, high profile inmates, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.