Miss Earth Philippines candidates hinikayat ang mga kandidato na gawing “waste-free” ang eleksyon

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 09, 2018 - 12:03 PM

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Hinimok ng mga kandidata para sa Miss Earth Philippines 2018 ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na tiyaking magiging “waste-free” ang panahon ng kampanya at ang mismong araw ng eleksyon.

Sa programang idinaos sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros Manila, nakipagkaisa ang mga kandidata sa environmental group na EcoWaste coalition para manawagan sa mga kandidato sa pagkakaroon ng eco-friendly election.

Payo ng isang kandidata mula Cebu Ctiy na si Marla Alforque, mas mabuting gawin ng mga kandidato ang tradisyunal na pagbabahay-bahay kaysa gumamit ng maraming campaign materials gaya ng tarpaulins, posters at flyers.

Mas makabubuti pa aniya ito sa mga kandidato dahil personal silang makikilala ng mga botante.

Samantala, sinabi naman ni Daniel Alejandre, zero-waste campaigner ng EcoWaste Coalition, may ugnayan sila sa Comelec para sa pag-monitor ng mga campaign violations.

Kabilang aniya sa mga binabantayan ng kanilang grupo ang paglalagay ng campaign materials sa mga puno.

Dagdag pa ni Alejandre, ang mga plastic na ginagamit ng mga kandidato sa kanilang mga flyers ay kumakalat lamang at bumabara sa mga kanal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: comelec, Ecowaste coalition, elections, Miss Earth 2018, waste free, comelec, Ecowaste coalition, elections, Miss Earth 2018, waste free

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.