CJ Sereno handa na sa impeachment hearing sa Senado kaya nagbalik-trabaho na

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Natapos na ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kaniyang paghahanda para sa pagdepensa sa impeachment complaint na isinampa laban sa kaniya kaya nagbalik na siya sa trabaho ngayong umaga.

Ito ang nakasaad sa inilabas na pahayag ng mga tagapagsalita ni Sereno.

Ayon sa pahayag, handa na ang punong mahistrado na harapin sa senado ang mga nag-aakusa sa kaniya.

At ngayong natapos na ang rason ng kaniyang leave of absence, balik-trabaho na ang punong mahistrado at gagampanan na ang kaniyang mandato sa ilalim ng Konstitusyon.

Iginiit ng kampo ni Sereno na naaayon sa Saligang Batas ang pagbabalik niya sa opisina.

At ngayong balik-trabaho na sa SC si Sereno, sinabi ng kampo nito na mag-iinhibit ang punong mahistrado sa mga deliberasyon quo warranto petition na isinampa laban sa kaniya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...