Mid-year bonus matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno sa susunod na linggo

By Chona Yu May 09, 2018 - 11:15 AM

Good news para sa mga empleyado ng gobyerno, ibibigay na ang kanilang mid-year bonus sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) sa Martes, May 15, ibibigay na ang mid-year bonus ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na katumbas ng isang buwan nilang sweldo.

Ayon kay DBM Sec. Benjamin Diokno, mahigit 1.5 million na government workers ang tatanggap ng kanilang mid-year bonus.

Umabot sa P36.2 billion ang kabuuang halaga ng pondo na inilaan ng DBM para sa nasabing bonus.

Sa ilalim ng Budget Circular No. 2017-2, ang mga government worker na tatanggap ng mid-year bonus ay ang mga civilian personnel, regular, casual, o contractual man, appointive o elective, full-time o part-time.

Sakop din ng mabibigyan ng mid-year bonus ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense at uniformed personnel ng Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.

Gayundin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at National Mapping and Resource Information Authority.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: benjamin diokno, DBM, Mid-Year Bonus, Radyo Inquirer, benjamin diokno, DBM, Mid-Year Bonus, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.