P100,000 reward inilabas para sa ikadakip ng suspek sa panggagahasa sa isang 3-taong gulang na bata sa Kidapawan

Nagpalabas ng P100,000 reward ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan City para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na si Rene Bueno na nanggahasa at pumatay sa isang 3-taong gulang na batang babae noong Sabado.

Ayon kay Mayor Joseph Evangelista magbibigay sila ng inisyal na P100,000 sa makapagbibigay ng verified at credible na impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.

Lahat aniya ng impormasyon ay maaring iparating sa Office of the City Information para agad maisailalim sa beripikasyon.

Kaugnay nito sinagot na rin ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa pagpapalibing sa batang biktima.

Inatasan na rin ni Evangelista ang Kidapawan Police na bumuo ng tracking team para sa mabilis na pagdakip sa suspek.

Ang bata ay natagpuan ng kaniyang kuya noong Linggo ng umaga hindi kalayuan sa kanilang bahay sa Purok Lanzones, Barangay Singao.

Huling nakita ang biktima noong Sabado ng gabi kasama ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...