Anim na sasakyan nagkarambola sa Maynila

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang karambola ng anim na sasakyan sa Mabini Bridge sa Maynila.

Ayon kay Sharon Gentalian ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) naganap ang aksidente alas 8:22 ng umaga sa northbound lane ng Mabini Bridge.

Sangkot sa nasabing aksidente ang isang UV Express, SUV, mootrsiklo at tatlong kotse.

Dahil sa nasabing karambola, nagsikip ang daloy ng traffic sa Nagtahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...