Re-electionist na kapitan ng barangay sa Cavite, arestado sa ilegal na droga

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 09, 2018 - 09:50 AM

Arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga ang isang re-electionist na kapitan ng barangay sa Cavite City.

Ayon kay Cavite City police chief Supt. Giovannie Martinez ang suspek na si Arman delos Angeles ay dinakip alas 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules sa Barangay 42-B.

Si Delos Angeles ay kasalkuyang kapitan sa nasabing barangay at muling tumatakbo ngayong eleksyon.

Ani Martinez, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng kanilang Drug Enforcement Team bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial Courts 29 to 32 ng San Pablo City, Laguna laban kay Delos Angeles.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Delos Angeles ang coin purse na naglalaman ng sachet ng hinihinalang shabu.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan din sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay captain, cavite, Radyo Inquirer, barangay captain, cavite, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.