Grievance committee ng PNP, bukas sa mga pulis na may reklamo
Kung may reklamo, idaan sa tamang proseso.
Ito ang paalala ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa mga pulis na may hinanakit o saloobin sa kanilang hanay.
Ayon kay Albayalde, bukas ang kanilang ‘grievance committee’ at iniimbitahan nya ang lahat ng mga pulis na dumaan dito. Handa rin daw syang humarap na kahit kanino dahil hindi naman sya mamimili ng mga tao.
Kahapon, humarap na sa Directorate for Investigation and Detection Management sa Camp Crame ang 9 sa 11 mga pulis na bashers sa facebook ni Albayalde.
Dito, pinangaralan sila ni Albayalde at iginiit na kailangan nilang sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng PNP.
Dagdag pa ng hepe ng PNP, kailangan tumimo ang disiplina sa kanilang hanay dahil ang sila rin naman ang mapapasama ang imahe sa publiko kapag nagkasiraan.
Samantala, maliban sa 11 pulis na una nang nag-report, may 20 pulis pa na natukoy ang PNP na Facebook bashers din ni Albayalde na inaasahang ipatatawag din sa DIDM sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.