BuCor Dir. Dela Rosa mas bagay maging bahagi ng Time Magazine bilang ‘strongman’ ayon kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya ang dapat na naging cover ng Time Magazine bilang isa sa mga strongman kundi dapat si dating PNP chief at ngayon ay BuCor Director Ronald Dela Rosa.

Ayon sa pangulo, hindi maikakaila na ang pagkatao ni Dela Rosa ang akma sa kategoryang strongman.

Matapos manilbihan sa PNP itinalaga ng pangulo si Dela Rosa bilang pinuno ng Bureau of Corrections.

Pabiro pang inutusan ng pangulo si Dela Rosa na patayin ang lahat ng mga bilanggo.

Kamakalawa lamang nagsagawa ng surprise inspection si Dela Rosa sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa naturang pagbisita, pinagbantaan ni Dela Rosa ang bilanggo lalo na ang nga nakakulong na drug lord na siya ang siga sa loob ng kulungan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...