Davao Oriental niyanig ng magkasunod na lindol

Dalawang magkasunod na pagyanig ang naitala ng Phivolcs sa Davao Oriental, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa 13 kilometers West ng Manay, Davao Oriental alas 5:29 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 18 kilometers.

Samantala, nasundan pa ng magnitude 3.0 ang lindol at ang epicenter ay naitala naman sa bayan ng Boston sa nasa pa ring lalawigan.

Naganap ang ikalawang lindol alas 5:45 ng umaga na may lalim na 29 kilometers.

Bago ang dalawang pagyanig sa Davao Oriental, nakapagtala din ang Phivolcs ng magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Sarangani sa lalawigan naman ng Davao Occidental.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 99 kilometers South ng Sarangani.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...