Kumpiyansa ang Malacanang na hindi maaapektuhan ang takbo ng mga ahensiyang iiwan ng mga cabinet mambers na tatakbo sa darating na halalan.
Sa harap ito ng pangamba ng publiko sa pagbibitiw kamakaikan nina Justice Secretary Leila de Lima, Tesda Director General Joel Villanueva at MMDA Chairman Francis Tolentino na pare-parehong kakandidato sa 2016 elections.
Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Sonny Coloma, naikunsidera na ni Pangulong Noynoy Aquino ang transition na mangyayari dahil sa halalan at hindi mapapabayaan ang mga ahensiyang iiwan ng mga cabinet secretaries.
Tiniyak ng opisyal na tatakbo pa rin naman ng maayos ang mga ahensiya kahit wala na ang mga pinuno ng mga ito.
Pero sinabi din ni Coloma na sa oras na ito ay hindi pa nakapagtatalaga si Pangulong Aquino ng mga papalit sa nagbitiw na mga kalihim.
Matatandaan na sa mga naiwang ahensiya ng pamahalaan ay DILG palang ang nalagyan ng kapalit at hanggang sa ngayon ay wala pa ring pumapalit kay Secretary Jericho Petilla sa Energy Department