Hindi na magpapatupad ng pagtataas sa presyo ng kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Mayo.
Kahit pa mas umiinit ang panahon, sinabi ng Meralco na ang bawas singil sa kuryente ay bunsod ng hindi pagtaas ng generation charge o presyo ng kuryente sa mga power producers sa mga nagdaang linggo.
Ayon sa electric company, bumaba ang presyo ng generation charge ng P.04212 kada kilowatt hour (kWh) para sa buwan ng Mayo.
Bumaba rin ang transmission charges bukod sa pagbaba ng generation charges na nagdahilan ng mas mababang mga tax at iba pang sinisingil sa kuryente ng halos P0.1128 kada kWh.
Dahil dito, bababa ang overall electricity rate para ngayong buwan ng P0.5436 kada kWh para sa isang typical household.
Mula sa overall rate noong Abril na P10.5477 ay mas bababa na ito sa P10.0041 ngayong buwan.
Sa isang residenteng kumokonsumo ng 200 kWh ay matatapyasan ang kanyang bill ng P109.