Lalaki patay sa pamamaril sa Taguig City

Bibili lamang ng sigarilyo ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Ira, habang sugatan ang isa pang lalaki na nakilalang si Jess Esperanza. Kapwa residente sa lugar ang mga biktima.

Ayon sa mga residente, bandang 12:30 ng hatinggabi nang makarinig sila ng apat na magkakasunod na putok ng baril.

Nang tingnan ang pinagmulan nito ay doon na tumambad ang duguan at wala nang buhay na katawan ng biktima.

Kwento ng asawa ni Ira, walang kaaway ang kanyang asawa kaya hindi niya alam kung ano ang posibleng motibo sa pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente. Inaalam rin ng mga pulis kung iisa lamang ang salarin sa pamamaril kay Ira at Esperanza.

Read more...