Lalaki patay matapos pagbabarilin sa Makati City

By Justinne Punsalang May 09, 2018 - 02:30 AM

Dead on the spot ang isang lalaki, habang kritikal ang isa pa matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang riding in tandem sa Barangay Olympia, Makati City.

Kinilala ang napatay na biktima na si Ronald Palillo, habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan si Lawrence Dulon na nasa kritikal na kundisyon.

Kapwa natutulog sa loob ng isang jeep sina Palillo at Dulon nang bandang ala-1 ng madaling araw ay dumating ang riding in tandem at pinaulanan ng bala ang mga ito.

Hinala ng mga kaanak ng mga biktima, posibleng may kaugnayan sa iligal na droga ang motibo sa pamamaril. Aminado kasi ang mga ito na parehong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sina Palillo at Dulon.

Narekober ng mga otoridad ang tatlong basyo ng hindi pa tiyak na uri ng bala mula sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.