Pagpilit ni Pang. Duterte na magbitiw si ex-DOT Sec. Teo, fake news lang

By Len Montaño May 09, 2018 - 02:00 AM

Peke umano ang balita kung saan nakasaad na pinilit umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo na magbitiw sa pwesto.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng abogado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na walang katotohanan ang balita dahil nauna na ang pagsumite ng resignation letter bago ang pag-uusap ng pangulo at ng dating kalihim.

Ayon kay Topacio, nalungkot si Teo sa pangyayari pero umaasa ito na sa kanyang pagbibitiw ay matatapos na ang isyu ukol sa advertisement ng DOT sa media production ng kanyang mga kapatid.

Nakikipag-ugnayan na si Topacio sa Commission on Audit (COA) para malaman ang proseso ng pagsosoli ng P60 million na halaga ng advertisement ng ahensya sa programa nina Erwin at Ben Tulfo sa PTV-4.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.