Pagiging nominado ni SC Justice de Castro bilang susunod na Ombudsman, walang problema kay Carpio-Morales

By Isa Avedaño-Umali, Len Montaño May 09, 2018 - 12:47 AM

Walang isyu kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ang napabalitang pagiging nominado ni Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro bilang susunod na pinuno ng Office of the Ombudsman.

Katwiran ni Morales, kung hindi naman diskwalipikado ang isang personalidad at pasok ang kanyang rekord sa nasasaad sa panuntunan, maaaring siyang maging nominado.

Nakatakdang magretiro si Morales bilang Ombudsman sa darating na Hulyo 2018, habang si De Castro ay magreretiro naman sa Oktubre 2018.

Umaasa naman si Morales na sana’y isang tulad niya ang magiging bagong Ombudsman, lalo’t sa bigat ng trabaho ay kailangang mayroon work ethics, competency, at integridad, at hindi rin daw dapat nagpapa-pressure.

Aniya, sa kanyang pamumuno bilang Ombudsman ay sinunod niya ng rule of law at naging mahigpit siya rito.

Si Morales ay dumalo sa Joint Forum on Justice and Integrity, na organisado ng Ofiice of the Ombudsman at International Development Law Organization.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.