Mga kandidato sa barangay at SK polls sa QC, sumabak sa Drug Test Challenge

By Isa Avedaño-Umali May 09, 2018 - 12:37 AM

Dinagsa ng mga kandidato sa halalang pambarangay ang inilunsad na ‘Drug Test Challenge’ ng Philippine National Police (PNP) sa Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD).

Ala-1 ng hapon ng Lunes nang magsimulang magdatingan ang mga kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections mula sa siyam na barangay na nasa hurisdiksyon ng naturang himpilan ng pulisya.

Ayon kay Cubao Police Station 7 Commander Police Superintendent Benjie Louise Tremor, tugon nila ito sa panawagan ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na boluntaryong magpasailalim sa drug test upang linisin ang kanilang pangalan at ipakita sa publiko na hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni Tremor na ambag din ito ng QCPD sa komunidad upang tiyaking wala nang narco-politicians o manunungkulan sa bayan na adik o sangkot sa illegal drugs sa anumang kaparaanan.

As of 5PM, umabot sa halos 200 ng pinaghalong bilang ng nagpalistang mga kandidato at tapos nang sumailalim sa drug test.

Kasama rin sa bilang na ito si Kagawad Noemi Agcaoili na napabilang sa isinapublikong barangay narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Agcaoili na tumatakbo ulit na kagawad sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame, nais niyang linisin ang kanyang pangalan at patunayan sa publiko na hindi siya protektor ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagsailalim sa drug testing ng PNP.

Kinumpirma ng incumbent barangay official na wala naman siyang natatanggap na banta sa kanyang buhay at hindi rin naaapektuhan ng isyu ang kanyang kandidatura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.