Oposisyon umaasa na walang mangyaring ‘recycling’ kay dating Secretary Wanda Teo

Ikinalugod din nina opposition senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino ang pagbibitiw na sa puwesto ni dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ngunit ayon sa dalawang senador, sana naman daw ay hindi makasama ang nagbitiw na kalihim sa nire-recycle ng administrasyong Duterte o ang mga umaalis na opisyal na nabibigyan lang din ng bagong posisyon.

Idinagdag pa ni Pangilinan na dapat ay imbestigahan ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Teo at kasuhan ang mga dapat kasuhan kung may maanomalyang madidiskubre.

Samantala, sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na ang pangulo naman ang nakakaalam kung sino ang dapat na maging opisyal ng kanyang gobyerno at kilala naman ito na galit sa kurapsyon o katiwalian.

Aniya, ang nangyari kay Teo ay paalala lang sa mga nasa gobyerno na sa kanilang paglilingkod ay hindi dapat nila inuunang isipin ang kanilang sarili.

Read more...