P60M placement ad ng DOT, sisiyasatin na ng Ombudsman

By Isa Avedaño-Umali May 08, 2018 - 11:31 PM

Iimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang kontrobersyal na P60 million ad placement na kinasasangkutan ng nagbitiw na Department of Tourism (DOT) Secretary na si Wanda Tulfo-Teo.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, magsasawa ang kanyang tanggapan ng motu propio investigation ukol sa P60 milyong kabayaran sa placement ads ng DOT sa program ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo sa PTV-4.

Ito ay sa kabila ng resignation ni Teo, na kinumpirma ng kampo nito.

Naging matipid naman si Morales sa pagbibigay ng detalye ukol sa gagawing pagsisiyasat.

Si Ben Tulfo, isa sa mga kapatid ni Teo, ang producer ng Bitag Media Unlimited Inc. at host ng Kilos Pronto na pinalalabas sa PTV-4, ang TV station ng gobyerno.

Nauna nang kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang naturang placement ad, kaya naman naging kabi-kabila ang panawagang magbitiw na sa posisyon si Teo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.