Pormal nang nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos bilang pangalawang pangulo sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros sa Maynila.
Sa panayam sinabi ni Marcos na itutuloy lamang niya ang kanyang nakasanayang public service na kanyang nakalakihang buhay sa ilaim ng mundo ng pulitika.
Binanggit din ni Marcos na umaasa siya ng suporta mula sa mga kaalyadong pulitiko mula sa Northern Luzon na nauna nang nagpahayag na sila ay nasa likod ng mambabatas sakaling magpasya siyang tumakbo sa mas mataas na pwesto.
Kasama ni Marcos na dumating sa tanggapan ng Comelec ang kanyang may-bahay na si Atty. Liza at ina na si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Inihayag din ng mambabata sna magiging team-player siya sa sakaling palarin sa kanyang pagtakbo bilang Pangalawang Pangulo.
Nagpasalamat din si Marcos sa mga nagpahayag sa kanya ng suporta bagama’t ang ilan sa mga ito ay kabilang sa ibang partido pulitikal.
Umaasa rin ang mambabatas na iko-kunsidera ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang naunang pasya at itutuloy nito ang pagtakbo bilang Pangulo sa 2016.