Imbestigasyon ng Ombudsman kay Teo welcome sa Malacañang
Umaasa ang Malacañang na magiging mabilis at transparent ang gagawing imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa kontrobersiyal na P60 Million advertisement contract na pinasok ni Tourism Secretary Wanda Teo sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) na pag-aari ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Ombudsman na ngayon ang bola sa pananagutang kriminal ng mga personalidad na sangkot sa kontrobersiya.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na bagaman isinauli na ng BMUI ang P60 Million, hindi ito nangangahulugan na maari nang mapatawad o maabswleto na sa mga pananagutan.
Nilinaw din ni Roque na kahit nagbitiw na sa Teo ay hindi naman ito nangangahulugan ng admission of guilt.
Samantala, inilabas na rin ng palasyo ang appointment paper ni Vice Admiral Elson Hermogino bilang pinuno ng Philippine Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.