Naghain ng not guilty plea si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay sa pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan sa kanyang kasong graft at paglabag sa bank regulations.
Matatandaang binili ng Local Water Utilities Administration o LWUA ang thrift bank ng pamilya Gatchalian sa halagang P80 Million noong si Pichay pa ang pinuno ng tanggapan.
Ilang beses na naudlot ang arraignment kay Pichay, at ngayong May 08 lamang siya nabasahan ng sakdal ng 4th Division ng Sandiganbayan.
Mag-uumpisa naman sa July 23 ang pre-trial sa kaso ni Pichay.
Sa open court, binanggit ni Justice Alex Quiros na magiging mabilid na ang paglilitis kay Pichay at posibleng makapaglabas na ang korte ng desisyon sa loob ng tatlong buwan.
Nauna nang nabasura ng Sandiganbayan ang malversation charges laban kay Pichay, ukol pa rin sa isyu ng pagbili ng LWUA sa bangko ng pamilya ni Sen. Sherwin Gatchalian.
Abswelto na rin ang pamilya Gatchalian matapos na maibasura ang kaso laban sa kanila.