Pagbibitiw ni Teo sa DOT tinanggap na ni Duterte

By Chona Yu, Den Macaranas May 08, 2018 - 04:35 PM

Kinumpirma ng Malacañang na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Tourism Sec. Wanda Teo.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na effective immediately ang nasabing resignation ng kalihim.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Teo na delicadeza ang nagtulak sa opisyal para iwan ang kanyang posisyon sa pamahalaan.

Sinabi ng Abogado ni Teo na si Atty. Ferdie Topacio na ayaw ng kalihim na makaladkad pa sa kontrobersiya ang pangulo hingil sa kontrobersiyal na P60 Million TV ads ng DOT sa PTV 4 na ipinasok naman sa programa ng kapatid ng kalihim.

Kagabi pagkatapos ng cabinet meeting ay nagkaroon ng pribadong pag-uusap sina Teo at ang pangulo.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Topacio na isinumite ni Teo ang kanyang resignation letter bago pa man magsimula kahapon ang cabinet meeting.

Sa ngayon ay wala pang itinatalagang kapalit ang pangulo sa nagbitiw na si Teo.

TAGS: dot, duterte, Roque, Topacio, Wanda Teo, dot, duterte, Roque, Topacio, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.