Ibinunyag ng Malacañang na mayroon nang naganap na back channel talks sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa Europe.
Ito ay para sa isinusulong na peace talks.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa abroad ngayon ang mga kinatawan ng gobyerno para makipag usap sa komunistang grupo
Base sa impormasyon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na ibinigay sa pangulo ay may positibong resulta naman ang back channel talks.
Pursigido aniya ang mga kinatawan ng gobyerno na makamit ang animnapung araw na itinakda ng pangulo para sa pag-usad ng peace talks.
MOST READ
LATEST STORIES