Delicadeza dahilan ng pagbibitiw ni Teo sa DOT

By Alvin Barcelona May 08, 2018 - 03:31 PM

Inquirer file photo

Nanindigan ang kampo ni Tourism Sec. Wanda Teo na hindi indikasyon ng pagiging guilty ang pagbibitiw nito sa puwesto kundi dahil sa delicadeza.

Itinanggi din ni Topacio na pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teo kindi kusang loob na nag-bitiw sa puwesto.

Ini-abot ni Teo ang kanyang resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea bago pa nagsimula ang cabinet meeting kahapon.

Iginiit ito ni Atty. Ferdie Topacio sa isang pulong balitaan matapos na kumpirmahin ang resignation ng kalihim dahil sa nilikhang kontrobersiya ng pagbibigay ng P60 Million na advertisement deal sa production outfit at programa ng mga kapatid nito sa PTV 4.

Sa kabila ng pagbibitiw, sinabi ni Topacio na handa si Teo na maglingkod sa mga Filipino kahit nasa pribadong sektor na ito.

Nanindigan si Topacio na hindi sinasabi ng Commission on Audit na iligal ang ad deal sa Bitag Productions na siyang nasa likod ng programng Kilos Pronto sa PTV 4.

Paliwanag ni Topacio, hindi alam ni Teo na napunta sa kumpanya ng Tulfo brothers ang P60 Million ad deal at ang PTV 4 ang naglagay ng nasabing kontrata sa Bitag Media Unlimited Inc.

Kung alam aniya ni Teo ito ay na-veto daw sana nito ang kontrata.

Sa ngayon ay hinihiling aniya ni Teo na igalang ang kanilang privacy.

TAGS: dot, teo, Topacio, tulfo, dot, teo, Topacio, tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.