Pangulong Duterte, pupunta sa Philippine Rise sa May 15-16

By Chona Yu May 08, 2018 - 01:30 PM

Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise sa May 15 hanggang 16.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay para bigyang pugay ng pangulo ang unang anibersaryo ng kanyang kautusan na baguhin ang pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na pangungunahan din ng pangulo ang send off ceremony ng 50 Filipino scientists na magsasagawa ng scientific research sa Philippine Rise.

Hindi naman tinukoy ni Roque kung hanggang kailan tatagal ang gagawing pananaliksik ng mga researcher.

TAGS: Benham Rise, duterte, Malacañang, Philippine Rise, Benham Rise, duterte, Malacañang, Philippine Rise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.