Malacañang, kinumpirma na rin ang pagbibitiw ni DOT Sec. Wanda Teo
Kinumpirma ng palasyo ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto si Tourism Secretary Wanda Teo.
Sa gitna na rin ito ng kontrobersiya na kinasasangkutan ni teo kaugnay sa P60 milyong advertisement contract ng Department of Tourism sa Bitag Media na pag-aari ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin tulfo.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ibinigay ni Teo ang kanyang resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea bago pa man nagsimula ang kanilang one-on-one meeting kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, hindi pa matiyak ni Roque kung tinanggap na ng pangulo ang resignation ni Teo.
Ipinauubaya na rin ng palasyo sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal kay Teo kung sa tingin nila ay may mali sa P60 milyong advertisement deal sa Bitag Media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.