“Tatakbo akong Pangulo” – Sen. Mirriam Defensor-Santiago

By Den Macaranas October 13, 2015 - 03:33 PM

Mirriam2016
Inquirer file photo

Nagdeklara na ng kanyang presidential bid si Sen. Mirriam Defensor Santiago para sa susunod na eleksyon sa 2016. Sa Book Launching ng kanyang “Stupid is forever more”, inihalimbawa ni Santiago sa isang cancer ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Sinabi ng mambabatas na walang pagkaka-isa ang mga Pilipino at masyado nang talamak ang mga kaso ng katiwalian.

Kanya ring sinabi na mas lalo niyang mapaglilingkuran ng maayos ang bansa kapag siya ang naluklok na pangulo sa 2016.

Magugunitang kamakailan ay sinabi na rin ni Santiago ang kanyang kahandaang kumandidato sa pinaka-mataas na pwesto sa pamahalaan makaraang ideklara ng kanyang duktor na magaling na ang kanyang Stage 4 na lung cancer.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung sino ang kanyang magiging ka-tandem sa eleksyon, isang simpleng ngiti ang tugon ng mambabatas kasabay ng psagsasabing nakapag-sumite na ng Certificate of Candidacy ang kanyang Vice-Presidential candidate pero hindi niya pinangalanan kung sino ito.

Kapansin-pansin din sa event ang pagsu-suot ng kanyang mga staff ng kulay pulang T-shirt na may tatak na “#Mirriam2016”.

 

TAGS: 2016, election, Mirriam2016, Santiago, 2016, election, Mirriam2016, Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.