Malinaw na programa para OFWs na umuuwi, ipinanawagan

By Jan Escosio May 08, 2018 - 12:55 PM

Nanawagan si Senador Sonny Angara sa gobyerno na maglatag ng malinaw na programa na makakatulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi mula sa Kuwait.

Aniya, mas mahihikayat lang ang mga OFWs na magbalik-bansa kung malinaw na magkakaroon sila ng magandang oportunidad sa Pilipinas at may trabaho para sa kanila dito.

Sinabi pa ni Angara na kung hindi man magandang trabaho dapat ay tiyak na may pagkakakitaan sila dito.

Banggit pa ng senador sa ngayon. ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ay may P376 million para sa re-integration program sa mga OFWs at dapat ay dagdagan pa ito dahil maraming OFWs ang umuuwi mula sa Kuwait.

Una nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga OFWs sa Kuwait na umuwi na lang ng Pilipinas dahil sa gusot sa relasyon ng dalawang bansa.

TAGS: Angara, kuwait, ofw, Angara, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.