PNP, nanawagan ng kooperasyon sa mga kandidato para maiwasan ang marahas na eleksyon

Nanawagan ng kooperasyon si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa mga kandidato sa Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Albayalde, kahit na gawin nila ang lahat ng mga dapat gawin para sa pagdaraos ng mapayapa at tahimik na halalan kung hindi naman makikipagtulungan ang mga kandidato ay mauuwi rin ito sa wala.

Pag-amin pa ng opisyal, hindi nya maintindihan kung bakit nagpapatayan ang kandidato sa bansa. Tila tuwing eleksyon na lang kasi ay paulit-ulit na ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga lugar na may ‘intense political rivaly.’

Dagdag pa niya, maski pagdarasal ay ginagawa na ng PNP para lang makatiyak na magiging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan nang sa gayon ay wala silang mapabayaang aspeto kahit na ispiritwal.

Kahapon pinagana ng PNP ang kanilang Task Force Safe Election kung saan sa 190,000 na buong bilang ng mga pulis sa bansa, nasa 70 hanggang 80 percent ang kanilang ipakakalat sa iba’t ibang polling precincts para magbigay seguridad sa darating na halalan.

 

Read more...