ASG, pinalaya ang bihag sa Sulu

By Rohanisa Abbas May 08, 2018 - 10:35 AM

Google Maps

Pinalaya na ng Abu Sayyaf group (ASG) ang bihag nito sa Patikul, Sulu.

Nakilala ang biktima na si Faizal Hambali, residente ng Barangay Gandasuli sa Patikul.

Ayon kay Chief Supt. Billy Beltran, hepe ng Western Mindanao police, pinakawalan ng bandidong grupo nag bihag noong May 5.

Sinabi ni Beltran na ngayon lang nakumpirma ang pagpapalaya kay Hambali matapos siyang dalhin ng kanyang pamilya sa Joint Task Force Sulu.

Si Hambali ay dinukot ng ASG noong April 29, kasama ang dalawang pulis na sina PO3 Bennie Rose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad, at isang nagngangalang Jacosalem.

Gayunman, hawak pa rin ng bandidong grupo ang 13 bihag, kabilang ang dalawang pulis.

Patuloy namang tinutugis ng militar ang ASG para sagipin ang mga biktima.

 

TAGS: abu sayyaf group, Militar, Patikul, Sulu, abu sayyaf group, Militar, Patikul, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.