Imbestigasyon ng Senado kaugnay sa missile system ng China sa WPS, welcome sa Malacañang

By Chona Yu May 08, 2018 - 09:24 AM

Walang pagtutol ang Palasyo ng Malakanyang sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ulat na naglagay na ngmissile deployment system ang China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tungkulin ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon na in aid of legislation para matukoy kung ano pa ang mga batas kinakailangang balangkasin para mabigyan ng seguridad ang Pilipinas.

Gayunman sinabi ni Roque, na maraming mga bagay ang dapat ikonsidera sa pagdinig ng Senado dahil matatalakay at mailalantad sa harap ng publiko ang usaping pangseguridad.

Ayon kay Roque, ilan dito ang mga usaping saklaw ng executive privilege at state secret na maituturing na maselan na isyu at hindi maaaring ilantad sa publiko.

Tiniyak naman ni Roque na hindi nila ipagkakait sa Senado na makapagsagawa ito ng pagsisiyasat dahil karapatan ito bilang co-equal branch.

Mas makabubuti anya na abangan na lamang kung ano ang magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ng Senado

 

TAGS: China, militarization, South China Sea, West Philippine Sea, China, militarization, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.