Tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ipatutupad ngayong araw

By Justinne Punsalang May 08, 2018 - 04:12 AM

Epektibo na ngayong araw ang oil price rollback ng iba’t ibang kumpanya ng langis.

Simula mamayang alas-6 ng umaga ay ipapatupad na ng mga kumpanyang Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petron, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, Total, at UniOil ang bawas-presyo.

Matatapyasan ng 30 sentimo kada litro ang halaga ng diesel at gasolina.

Habang 60 sentimo naman ang mababawas sa presyo ng bawat litro ng kerosene o gaas.

Samantala, nauna nang nagpatupad ng rollback ang kumpanyang SeaOil kaninang alas-12 ng madaling araw.

Dahil sa pagbaba ng contract price ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado ang oil price rollback sa bansa.

Hindi naman inaasahang gagalaw ang halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) at autoLPG ngayong linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.