Quo warranto case ni CJ Sereno, laban ng buong Pilipinas — VP Robredo

By Justinne Punsalang May 08, 2018 - 03:10 AM

Nanawagan sa publiko si Vice President Leni Robredo na kontrahin ng lahat ang nakasampang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang talumpati sa “Free the Courts” forum na isinagawa sa University of the Philippines Diliman, sinabi ni Robredo na ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno ay hindi lamang laban ng punong mahistrado, ngunit laban ng buong bansa.

Aniya, dapat isantabi ang tako at tumulong na ipaglaban ang judicial branch ng pamahalaan.

Paliwanag ni Robredo, itinatag ang hudikatura upang maging proteksyon ng mga nangangailangan at hindi upang makuha ang sariling interes ng nasa posisyon.

Aniya, bilang ikalawang pangulo ng bansa ay nangangako siyang ipaglalaban niya ang Konstitusyon at itama ang mga mali sa abot ng kanyang makakaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.