Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlang ang biktima na nakasuot ng puting sando, at tinatayang nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakarinig ng putok ng baril ang isang barangay kagawad sa lugar bandang alas-11 ng gabi.

Nang siyasatin ang pinagmulan ng putok ng baril ay doon na tumambad ang duguang katawan ng biktima.

Hindi naman nakita ang salarin sa pamamaslang.

Tama ng bala sa tainga at bibig ang tumapos sa buhay ng biktima.

Samantala, narekober ng SOCO mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, partikular ang motibo at pagkakakilanlang ng suspek.

Read more...