SC pagbobotohan na sa Biyernes ang quo warranto case ni CJ Sereno

By Justinne Punsalang May 08, 2018 - 02:31 AM

Nakatakda nang magbotohan ang Supreme Court (SC) sa Biyernes, May 11, para pagdesisyunan ang kapalaran ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno, partikular sa inihaing quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida.

Ayon sa mga ulat, karamihan sa mga hukom ng Korte Suprema ay naniniwalang hindi balido ang pagkakatalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Sereno bilang punong mahistrado.

Ang pangunahing rason umano dito ang hindi pagsusumite ni Sereno ng kinakailangang statements of assets, liabilities and net worth (SALN) sa Judicial and Bar Council (JBC) nang mag-apply siya sa posisyon.

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Attorney Theodore Te, hindi pa nakakapaglabas ng concensus ang mataas na kapulungan ukol dito.

Umaasa naman ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na irerekognisa ng Supreme Court ang impeachment laban kay Sereno bilang nag-iisang paraan upang mahusgahan ang isang punong mahistrado sa ilalim ng Konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.