5 sakay ng lumubog na bangka sa Masbate, nasagip

Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lima kataong sakay ng bangka na lumubog sa Baleno, Masbate.

Lumubog ang bangkang Berlyn ang pangalan matapos matamaan ng malaking isda habang papunta sa Bolo, Masbate.

Ayon sa PCG, ipinagbigay-alam ito ng isang concerned citizen kaya agad silang nagsagawa ng search and rescue operation noong Sabado.

Ligtas naman ang lahat ng mga pasahero.

Read more...